Heart Evangelista hindi gagamitin sa political ads ni Chiz

By Chona Yu December 10, 2015 - 04:57 PM

Chizi
Inquirer file photo

Walang balak si Senador Chiz Escudero na gamitin ang asawang si Heart Evangelista sa mga ilalabas na political tv advertisements ng mambabatas.

Sa Kapihan sa Senado, sinabi ni Escudero, wala siyang balak na gayahin ang mga tv ads ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas na star-studded o puno ng artista ang mga media advertisements maliban pa sa kasama ang kanyang asawang si Korina Sanchez.

Paliwanag ni Escudero, mahal na nga ang bayad sa tv airtime, mahal pa ang ibabayad sa mga artista na mag-eendorso.

Naniniwala si Escudero na sapat na ang kanyang sarili at kakayahan para maipaliwanag sa publiko ang kanyang mga plataporma-de-gobyerno.

Nais din ni Escudero na ihiwalay ang kanyang personal na buhay sa pulitika.

Pero aminado si escudero na kung walang trabaho ang kanyang may-bahay ay tutulong ito sa kanya sa pangangampanya at pagbisita sa ibat-ibang lugar.

Pabiro pang sinabi ni Escudero na maaring magsama ang kanyang misis na si Heart at si Lovi Poe sa pangangampanya para mailabas pa rin ang tambalang “Poe-Escudero”.

TAGS: 2016, chiz escudero, heart Evangelista, 2016, chiz escudero, heart Evangelista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.