Naantala ang pagsasara ng Marcos Highway bridge sa araw ng Sabado (May 11).
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi muna itutuloy ang pagsasara at pagsasaayos sa eastbound o Antipol-bound section ng highway.
Paliwanag ng MMDA, ito ay dahil sa pabiguan ng ilang private contractor na ilagay ang mga signage para sa napagkasunduang traffic rerouting plan sa lugar.
Sinabi pa ng MMDA na hintayin na lamang ang susunod na ilalagay na abiso hinggil dito.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na hindi natuloy ang implementasyon ng apat na buwang rehabilitasyon sa nasabing tulay.
Unang itinakda ang pagsasara nito noong May 4 at naurong sa May 11.
Sinabi naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia na muli silang makikipagpulong sa contractor sa susunod na linggo para talakayin ang gagawing paghahanda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.