San Julian, Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Eastern Samar, Huwebes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 77 kilometers Northeast ng San Julian dakong 2:38 ng hapon.

May lalim itong 36 kilometers at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang Intensity 1 sa Borongan City.

Sinabi ng Phivolcs na ito ay aftershock ng yumanig na 6.5 magnitude na lindol sa Eastern Samar noong April 23, 2019.

Wala namang inaasahang pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Read more...