PNP, iginiit na walang kontribusyon sa bagong oust plot matrix

By Angellic Jordan May 09, 2019 - 04:40 PM

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na wala silang kontribusyon sa intelligence information sa ouster plot matrix na inilabas ng Palasyo ng Malakanyang.

Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesman Col. Bernard Banac na patuloy pa ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Palasyo kaya mabagal ang proseso ng kanilang validation dito.

Patuloy pa rin aniya ang pagkuha ng mga ebidensya sa mga nakalap na impormasyon.

Dahil dito, hindi na aniya nakapagsumite ng kontribusyon ang PNP sa pinakahuling matrix.

Matatandaang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang natanggap na intelligence information ni Pangulong Rodrigo Duterte ay balido.

TAGS: matrix, PNP, matrix, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.