Sotto sa bagong ouster plot matrix: “Listahan ng mga asar kay PRRD”

Inihayag ni Senate Presidenti Vicente “Tito” Sotto na ang inilabas na pinakahuling ouster plot matrix ay listahan ng mga hindi gusto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sotto, kwestiyunable ang pagkakasangkot nina Filipino Olympian Hidilyn Diaz at television host na si Gretchen Ho sa umano’y ouster plot laban sa pangulo.

Hindi aniya nito makita ang dahilan o kung paano mapapasama ang dalawa sa umano’y aksyon laban sa Punong Ehekutibo.

Hindi aniya dapat seryosohin ang matrix dahil ang kredibilidad aniya nito ay depende sa pagtanggap ng publiko.

Maliban kay Sotto, kinuwestiyon din ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang pagkakasama ni Diaz at Go sa ouster plot.

Aniya, nagdadala ng pagkilala si Diaz sa bansa habang si Ho ay nagsisimula sa pagtatatak ng kaniyang pangalan sa industriya nang may disiplina.

Read more...