Lolo sa sikat na commercial ng isang fast food chain, pumanaw na

By Angellic Jordan May 09, 2019 - 04:13 PM

Pumanaw na si Rodolfo “Rudy” Francisco, ang gumanap na lolo sa sikat na commercial ng McDonald’s, sa edad na 96.

Sa Instagram, ibinahagi ni Karen delos Reyes na gumanap naman bilang apo na si “Gina” sa commercial.

Aniya, isang malungkot na araw ang pagbabalita ng pagpanaw ni Lolo Rudy.

Nagparating ng pakikiramay si Karen sa mga naiwang pamilya at kaibigan ni Lolo Rudy.

Samantala, nagbigay ng isang tribute message ang anak nito na si RS Francisco sa Facebook.

Ayon kay RS, magkakaroon ng lamay sa abo ni Lolo Rudy sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao, Quezon City mula May 9 hanggang 11.

TAGS: Gina, karen, Lolo Rudy, mcdo, Gina, karen, Lolo Rudy, mcdo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.