Liquor ban, ipatutupad ng PNP mula May 12 hanggang 13

Ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang 48-oras na liquor ban mula May 12 hanggang 13.

Sa press conference, sinabi ni PNP spokesman Col. Bernard Banac, ito ay para matiyak ang mapayapa at maayos na eleksyon sa May 13.

Magsisimula ang implementasyon nito bandang alas 12:01, Linggo ng madaling-araw (May 12) hanggang alas 12:00, Lunes ng madaling-araw (May 13).

Magiging mahigpit aniya ang pagbabawal ng pagbebenta ng anumang klase ng inumin na nakalalasing.

Bahagi aniya ito ng inihandang seguridad ng PNP para sa ekelsyon.

Read more...