Comelec, iimbestigahan ang partisan politics sa Cebu City

By Angellic Jordan May 09, 2019 - 02:56 PM

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Commission on Elections (Comelec) ukol sa partisan politics sa Cebu City.

Iniulat ni Mayor Tomas Osmeña ang paggamit umano sa mga pulis sa partisan politics sa lugar.

Ayon kay Comelec Regional Director Veronico Petalcorin, iimbestigatihan din ang pahayag naman ni City Police chief Royina Garma na pang-haharass ng alkalde sa checkpoint operations sa lugar.

Aniya, nagtalaga na sila ng abogado para tignan ang mga alegasyon ni Osmeña at ng pulis.

Handa na umano ang Comelec para sa halalan at wala namang inaasahang problema sa rehiyon.

Matindi aniya ang political rivalry sa ilang lugar ngunit nananatili naman aniyang payapa sa Cebu City.

Hindi bababa sa 10,000 pulis, sundalo at Coast Guard ang idedeploy sa Central Visayas para sa halalan.

TAGS: comelec, partisan politics, comelec, partisan politics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.