Ito ay kasunod ng paglitaw ni Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy’ sa IBP headquarters sa Pasig City noong May 6, 2019.
Sa inilabas na pahayag, nagdulot ng hindi magandang imahe sa organisasyon at legal na propesyon nito ang pagpahintulot na magsalita si Advincula sa pamamagitan ng press conference sa IBP.
Pinayagan aniya ni Fajardo si Advincula na gamitin ang IBP para ilahad ang mga alegasyon nito.
Isa aniyang non-partisan organization ang IBP at hindi dapat magtalakay ng anumang usaping pulitikal.
Dagdag pa ni Calida, dapat ipinairal ang rule of law at tumindig sa katotohanan at hustisya.
Dapat din aniyang paalalahanan si Fajardo sa layunin ng IBP na maging salamin sa pagsunod sa mga batas at pag-promote ng mabuting interes sa mga abogado at korte.