Calida, nais magbitiw sa pwesto si IBP Pres. Fajardo

By Angellic Jordan May 09, 2019 - 08:16 PM

Hiniling ni Solicitor General Jose Calida ang pagbibitiw sa pwesto ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) president Abdiel Dan Elijah Fajardo.

Ito ay kasunod ng paglitaw ni Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy’ sa IBP headquarters sa Pasig City noong May 6, 2019.

Sa inilabas na pahayag, nagdulot ng hindi magandang imahe sa organisasyon at legal na propesyon nito ang pagpahintulot na magsalita si Advincula sa pamamagitan ng press conference sa IBP.

Pinayagan aniya ni Fajardo si Advincula na gamitin ang IBP para ilahad ang mga alegasyon nito.

Isa aniyang non-partisan organization ang IBP at hindi dapat magtalakay ng anumang usaping pulitikal.

Dagdag pa ni Calida, dapat ipinairal ang rule of law at tumindig sa katotohanan at hustisya.

Dapat din aniyang paalalahanan si Fajardo sa layunin ng IBP na maging salamin sa pagsunod sa mga batas at pag-promote ng mabuting interes sa mga abogado at korte.

TAGS: Abdiel Dan Elijah Fajardo, bikoy, IBP, jose calida, resign, Abdiel Dan Elijah Fajardo, bikoy, IBP, jose calida, resign

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.