Calatagan, Batangas niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Calatagan sa lalawigan ng Batangas.

Naitala ang pagyanig sa layong 20 kilometers southwest ng Calatagan, alas 11:39 ng umaga ng Huwebes, May 9.

May lalim na 129 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Dahil mayroong kalaliman ang pagyanig ay hindi naman ito inaasahang magdudulot sa pinsala at aftershocks.

Read more...