WATCH: Pangulong Duterte ginapangan ng ipis sa kasagsagan ng talumpati sa campaign rally sa Bohol

Naantala ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa campaign rally sa Bohol, Miyerkules (May 8) ng gabi.

Ito ay makaraang may gumapang na ipis sa balikat ng pangulo habang nasa kasagsagan ng speech.

Inisa-isa noon ng pangulo ang mga manok niyang kandidato sa pagka-senador nang dumapo ang insekto sa balikat niya.

Lumapit naman ang aide ng pangulo para subukang alisin ang ipis.

Pero gumapang pa lalo ang ipis at mismong ang pangulo na ang humampas dito at saka inapakan.

Read more...