Bakbakan sumiklab sa pagitan ng NPA at mga sundalo sa Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo May 09, 2019 - 10:45 AM

Sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at mga sundalo sa bayan ng Magpet sa Cotabato.

Nakasagupa ng mga tauhan ng 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga miyembro ng NPA simula umaga ng Huwebes, May 9.

Ayon kay Police Captain Tolando Dillera, hepe ng pulis sa Magpet police station, naganap ang engkwentro sa Sitio Kirumdum sa Barangay Kinarum.

Nakikipag-ugnayan na si Dillera sa mga opisyal ng barangay sa lugar para malaman ang iba pang detalye sa sagupaan.

Pinalikas na rin ang mga residente sa barangay at pinadala na sa ligtas na lugar para maiwasang maipit sila sa putukan.

TAGS: Cotabato, Magpet, NPA, Radyo Inquirer, Cotabato, Magpet, NPA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.