Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa ito kumpara sa 6.3 percent noong huling quarter ng 2018 at sa 6.5 percent noong 1st quarter ng 2018.
Sinabi ni Socieconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na kung hindi dahil sa pagkakaroon ng reenacted budget ay lalago sana ang ekonomiya ng bansa sa 6.6 percent.
Ayon kay Pernia, maari pa namang makamit ang 6 to 7 percent na growth target para sa taong 2019.
Ito ay kung maitatala ang 6.1 percent na GDP sa susunod na tatlong quarter.
Sa naitalang economic growth para sa unang quarter ng 2019 ay ang services sector ang nakapagtala ng pinakamabilis na paglago na 7.0 percent.
Ang sektor naman ng industrya ay lumago sa 4.4 percent habang ang sektor ng agrikultura ay lumago sa 0.8 percent.