5.6 percent na economic growth naitala sa unang quarter ng taon

By Dona Dominguez-Cargullo May 09, 2019 - 10:35 AM

Nakapagtala ng 5.6 percent na paglago sa ekonomiya ng bansa para sa unang quarter ng taong 2019.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa ito kumpara sa 6.3 percent noong huling quarter ng 2018 at sa 6.5 percent noong 1st quarter ng 2018.

Sinabi ni Socieconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na kung hindi dahil sa pagkakaroon ng reenacted budget ay lalago sana ang ekonomiya ng bansa sa 6.6 percent.

Ayon kay Pernia, maari pa namang makamit ang 6 to 7 percent na growth target para sa taong 2019.

Ito ay kung maitatala ang 6.1 percent na GDP sa susunod na tatlong quarter.

Sa naitalang economic growth para sa unang quarter ng 2019 ay ang services sector ang nakapagtala ng pinakamabilis na paglago na 7.0 percent.

Ang sektor naman ng industrya ay lumago sa 4.4 percent habang ang sektor ng agrikultura ay lumago sa 0.8 percent.

TAGS: economic, gdp, growth domestic product, economic, gdp, growth domestic product

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.