Sundalo patay sa pananambang sa Isabela
Patay ang isang sundalo makaraang tambangan ng mga tauhan ng new People’s Army (NPA) sa Isabela.
Nangyari ang pananambang sa Purok 7 sa Barangay San Sebastian sa bayan ng Jones.
Nakilala ang nasawi na si Private First Class Esternado Zipagan habang nasugatan naman ang militiaman na si Joey Baguiwong.
Kinondena naman ni Major General Pablo Lorenzo, commander ng 5th Infantry Division ng Philippine Army ang nangyaring pananambang.
Sinabi ni Lorenzo na mag-iinspeksyon lamang ang mga sundalo sa isang community project nang sila ay tambangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.