Batas laban sa ‘fake news’ ipinasa sa Singapore
Sa kabila ng mga pagtutol naipasa na sa Singapore ang batas na magpapataw ng parusa sa pagpapakalat ng ‘fake news’.
Sa ilalim ng ipinasang batas, binibigyan ng kapangyarihan ang pamahalaan na atasan ang social media sites gaya ng Facebook at Twitter na maglagay ng babala o warnings sa mga posibleng mali o pekeng balita.
Maari ding atasan ang FB at Twitter na i-take down ang post kung ito ay posibleng peke o mali.
Kung ang post ay mapatutunayang malisyoso at damaging sa interest ng Singapore, maaring magpataw ng multa na $735,000.
Ang indibidwal na mapatutunayang lumabag ay maaring makulong ng hanggang 10 taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.