14 patay sa election-related violence ayon sa PNP
Umabot na sa 14 ang bilang ng mga nasawi dahil sa mga kaso ng karahasan na may kaugnayan sa eleksyon.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), mula nang mag-umpisa ang election period ay umabot na sa 31 kaso ng election-related violence ang naitala sa buong bansa.
Pero sinabi ni PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac, mas mababa ang datos ngayong 2019 elections kumpara sa mga naitalang karahasan noong 2013 at 2016.
Noong 2013 elections, umabot sa 142 ang nasawi sa 94 na election-related incidents; habang 192 naman ang nasawi noong 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.