Pero ayon sa PAGASA, nananatiling maulap ang papawirin at makararanas ng pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at Palawan dahil sa frontal system.
Kalat-kalat na mahina hanggang sa malakas pag-ulan ang maaring maranasan sa nasabing mga lugar na maaring magdulot ng pagbaha.
Sa Metro Manila, northern Luzon, Ilocos Region, CAR at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley ay makararanas lamang ng pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa thunderstorms.
Mainit at maalinsangang panahon naman ang mararanasan sa buong Visayas at Mindanao.
Ang isa pang LPA na binabantayan ng PAGASA ay nasa layong 990 kilometers East ng Mindanao.
Inaasahan itong papasok sa bansa ngayong araw at malaki din ang tsansa na malusaw habang palapit ng Mindanao.