Makalipas ang 29 na taon, isang babae, itinanghal na person of the year ng Time Magazine

Angela MerkelMakalipas ang 29 na taon, isa muling babae ang itinanghal na ‘Person of The Year’ ng Time magazine.

Si German Chancellor Angela Merkel ang pinangalanang ‘Time Person of the Year’, bagay na hindi naman nagustuhan ng isa sa mga nominado na si Donald Trump na Presidential Candidate sa US.

Sa halos tatlong dekada, nasa top spot ng taunang listahan ng People of The Year ng Time si Trump.

Una nang nagreklamo si Trump na hindi siya pipiliin ng Time kahit siya ay big favorite.

Sa pagtanghal kay Merkel, sinabi ni Trump na pinili ng magazine ang isang tao na sinisira ng Germany.

Pero ayon sa mga political analysts, matapang si Merkel sa pagtugon sa problemang kinakaharap ng kanyang bansa at pinaninindigan nito ang desisyon na tulungan ang Syrian refugees.

Ang problema sa utang ng Europe ang isa pang bagay na matapang na hinarap ng babaeng lider.

Noong 1986, si dating Pangulong Cory Aquino ang itinanghal na Woman of the Year.

Siya ang huling babae na nanguna sa listahan bago si Merkel.

Ang dalawa ay kasama na ng ibang female icons na sina Wallis Simpson, Chiang Kai-Shek at Queen Elizabeth II na nakuha titulo.

Samantala, runners-up sa listahan ngayong taon sina Bakr Al-Baghdadi ng ISIS, Iran President Hassan Rouhani, Uber CEO Travis Kalanick at ang transgender na si Caitlyn Jenner.

Read more...