Drug suspect balik-kulungan sa ikatlong pagkakataon matapos maaresto sa buy-bust sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo May 09, 2019 - 06:32 AM

Sa ikatlong pagkakataon ay balik-kulungan ang isang lalaki makaraang madakip muli sa buy-bust operation ng mga otoridad sa Cubao, Quezon City.

Ikinasa ang operasyon sa Brgy. San Martin De Porres laban sa target na si ayas John, 43 anyos.

Nakabili kay John ng P500 halaga ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer dahilan para siya ay arestuhin.

Nakuha sa kaniya ang walong sachet ng hinihinalang shabu.

Nabatid na dalawang beses na ring nadakip at nakulong ang suspek dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Samantala, sa hiwalay na operasyon, arestado ang dalawang drug suspects kabilang ang isang college student sa buy-bust operation ng mga pulis sa Brgy. Pasong Tamo.

Mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga pulis sa dalawang suspek.

Sa Barangay Greater Lagro naman, arestado din ang isa pang lalaki sa buy-bust operation ng mga pulis sa isang motel.

TAGS: buy bust, quezon city, Radyo Inquirer, War on drugs, buy bust, quezon city, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.