3 arestado sa shabu session sa Parañaque City

Timbog ang tatlo katao makaraang maaktuhan ng mga pulis na bumabatak ng shabu sa Riverside II, Brgy. Tambo, Parañaque City.

Nakilala ang mga suspek sa mga alyas na Jericho, Edward at Loriza.

Sa impormasyon ng pulisya, nagsasagawa sila ng Oplan Galugad nang matyempuhan ang tatlo na nagshashabu-session.

Agad na dinakip ang mga ito at nakuhaan ng isang maliit na pakete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Read more...