Akusado sa pagpatay sa ina ni Cherry Pie Picache, guilty sa kasong robbery with homicide

By Erwin Aguilon December 10, 2015 - 11:18 AM

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo

Hinatulan na ng Quezon City regional trial ang akusado sa pagpatay kay Zenaida Sison, na ina ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Ang akusadong si Michael Flores, ay hinatulang guilty sa kasong robbery with homicide matapos nitong pagnakawan ang bahay ni Sison at saka ito pinatay.

Reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakakulong ang parusa kay Flores.

Si Flores na houseboy sa bahay ni Sison sa Quezon City ay nauna nang umaming pinatay niya ang 75 anyos na biktima noong Sept. 19, 2014.

Ayon kay Flores lango siya sa ipinagbabawal na gamot nang dumating siya sa bahay ni Sison.

Pumasok umano siya sa bahay at saka kinuha ang mga alahas ng biktima. Pero nakita umano siya ni Sison at ito ay nagsisigaw.

Sa kaniyang pag-amin sinabi ni Flores na pinatay niya sa saksak si Sison.

Inatasan din ng korte si Flores na magbayad ng P50,000 na civil damages, P50,000 moral damages at P1.245M na actual damages.

 

TAGS: Accused in the murder of Cherry Pie's mom gets reclusion perpetua, Accused in the murder of Cherry Pie's mom gets reclusion perpetua

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.