Lalaking gumagamit ng 4 na bata sa pagtutulak ng droga arestado sa Cebu city

By Len Montaño May 09, 2019 - 03:30 AM

Benjie Talisic, CDND

Arestado ang isang 39 anyos na lalaki na gumagamit ng apat na bata sa pagtutulak ng droga sa Cebu City.

Ayon kay Police Captain Francis Renz Talosig, Mambaling Police Precinct chief, nakuha sa bahay ni Oniel Candezar sa Sitio Puntod ang P340,000 halaga ng shabu.

Isinilbi ang search warrant laban kay Candezar matapos matanggap ng pulisya ang impormasyon ukol sa paggamit nito ng apat na bata sa pagbebenta ng droga.

Ayon sa pulisya, ang suspek ang supplier ng illegal drugs sa Sitio Puntod at kalapit na mga lugar.

Nakakulong na ngayon si Candezar at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso

TAGS: arestado, Cebu City, gumagamit ng 4 na bata, Mambaling Police Precinct chief, Oniel Candezar, pagtutulak ng droga, Police Captain Francis Renz Talosig, arestado, Cebu City, gumagamit ng 4 na bata, Mambaling Police Precinct chief, Oniel Candezar, pagtutulak ng droga, Police Captain Francis Renz Talosig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.