Duterte tiniyak ang payapang eleksyon sa Negros Occidental

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging payapa ang halalan sa Negros Occidental sa Lunes.

Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, kinausap ng Pangulo ang magkakalaban na kandidato sa lalawigan partikular sa bayan ng Moises Padilla.

Nangako anya ng Pangulo ng hustisya para sa pamilya ng napatay na konsehal na si Michael Garcia.

Binalaan din ng Pangulo si Moises Padilla Mayor Magdaleno Peña na huwag nang maulit ang gulo sa lugar.

Noong April 25, patay sa ambush si Garcia na kapatid ni Vice Mayor Ella Garcia-Yulo.

Patay din si councilor Jojomar Hilario matapos barilin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) noong March 31.

Read more...