Mga pasahero dagsa na sa mga bus terminal bago ang eleksyon
Apat na araw bago ang eleksyon sa Lunes May 13, dagsa na ang mga pasahero sa mga bus terminal para umuwi at bumoto sa kanilang mga lalawigan.
Araw ng Miyerkules ay mahigit 6,000 na ang pasahero sa Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City na mas mataas sa 4,000 na dating bilang.
Madaragdagan pa ang bilang habang papalapit ang halalan.
Pero reklamo ng ilang pasahero, ilang bus companies ang umanoy sinasamantala ang dami ng mga pasahero at nagtaas ng pamasahe.
Dahil dito, nanawagan ang mga pasahero sa LTFRB na magdagdag ng mga bus para hindi sila tagain sa pamasahe.
Sinabi naman ng otoridad na simula ngayong Huwebes ay magdaragdag na ng mga bus para ma-accommodate ang mga pasahero.
Samantala, sa bus terminal naman sa Pasay ay puno na rin ang mga bus patungo sa mga lalawigan sa Bicol region at Visayas.
Hirap din ang mga pasahero dahil walang reservation at first come, first served ang ipinatutupad na sistema. Puno na rin ang istasyon ng mga pasahero na patungo ng Samar sa Philtranco bus station.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.