DOE tiniyak na sapat ang supply ng kuryente sa eleksyon sa Lunes
Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na mayroong sapat na supply ng kuryente sa magaganap na eleksyon sa Lunes May 13.
Ayon kay DOE Undersecretary Wimpy Fuentebella, wala namang pasok sa opisina at eskwelahan kaya magiging magaan ang load ng kuryente.
Ang babantayan ng ahensya ay ang supply ng kuryente pagkatapos ng halalan sa Martes hanggang Biyernes.
Pagdating anya sa Martes ay tataas na ang demand kaya posibleng maging abnormal ang sitwasyon at magtaas ng yellow alert.
Samantala, wala munang maintenance work ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at handa ito sa anumang maging problema sa linya ng kuryente.
Habang ang Meralco ay nangako na hindi magkaka-brownout sa eleksyon.
Pero nakiusap ito sa mga guro na magtatrabaho sa halalan na huwag magdala ng maraming gamit sa polling precincts na kokonsumo ng malakas na kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.