Olympic medalist Hidilyn Diaz at TV host Gretchen Ho, itinanggi ang pagkasama sa oust-Duterte matrix

By Len Montaño May 08, 2019 - 11:10 PM

Kapwa itinanggi nina Olympic medalist Hidilyn Diaz at television host Gretchen Ho ang pagkasama nila sa mga matrix na nagpapakita ng umanoy plot na patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa sina Diaz at Ho sa mga pangalan na ayon sa Malakanyang ay sangkot sa oust-Duterte plot.

Sa kanyang tweet, tinawanan lang ng weightlifter ang umanoy papel niya sa ouster plot.

Ayon kay Diaz, marami pa siyang pangarap sa buhay at para sa Pilipinas para sumali sa naturang isyu.

Na-schock umano ang national athlete sa pagkasama niya sa matrix.

Naka-focus ngayon si Diaz sa kanyang weightlifting career at naghahanda ito para sa Southeast Asian Games na gagawin sa bansa sa Nobyembre gayundin sa 2020 Tokyo Olympics.

Samantala, sinabi naman ni Ho na hindi niya man lang kilala kung sino sila “Bikoy” at Rodel Jayme.

Hindi rin umano nito napanood ang mga video o kaya ay na-share ang mga ito.

Pahayag ito ni Ho matapos siyang mapasama sa matrix na inilabas ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

TAGS: 2020 Tokyo Olympics, bikoy, Gretchen Ho, hidilyn diaz, olympian, oust Duterte matrix, rodel jayme, shock, Southeast Asian Games, TV host, 2020 Tokyo Olympics, bikoy, Gretchen Ho, hidilyn diaz, olympian, oust Duterte matrix, rodel jayme, shock, Southeast Asian Games, TV host

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.