Inilabas ang warning para sa lahat ng eroplano na gagamit sana ng runways 13-31 at 06-24 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, ilang flights ang napilitang lumapag sa Clark bilang precautionary measure.
Mayroong anti-lightning devices ang mga eroplano at airport pero ang ground o ramp personnel ay pwedeng maapektuhan ng kidlat.
Ang sumusunod ang mga biyaheng na-divert sa Clark:
- APG353 RPSP-RPLL landed RPLC 1025z
- PAL721 EGLL-RPLL landed RPLC 1052Z
- PAL113 KLAX-RPLL landed RPLC 1100z
- CEN954 RPMD-RPLL landed RPLC 1106z
Nakaranas ng thunderstorm sa Metro Manila at karatig na mga lugar dahilan ng baha at apektadong operasyon sa NAIA.