Nasa higit P150,000 halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa Malate, Maynila
Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P164,500 na halaga ng ilegal na droga sa Malate, Manila araw ng Miyerkules.
Isinagawa ang buy-bust operation sa isang hotel sa nasabing lugar.
Batay sa ulat, nakuha ang mga kontrabando sa siyam na suspek na sina Jetrick Brianne Santos, 27-anyos; Jezreel Joseph Silva, 30-anyos; Harley De Jesus, 25-anyos; Mary Rose Santos, 30-anyos; Ryan Arvin Tanada, 31-anyos; Ralph Ivan Manalang, 22-anyos; Nurshida Sabdani, 24-anyos; Ma. Olivia Dela Llana, 22-anyos; at Calugay Mayumi, 23-anyos.
Nakuha ang nasa 43 piraso ng hinihinalang ecstasy tablet na nagkakahalaga ng P107,500 at tatlong pakete ng kush na may estimated value na P7,000.
Maliban dito, narekober din ang isang liquid ecstasy na nagkakahalaga ng P30,000, apat na bote ng ketarol na nagkakahalaga ng P20,000 at ilang drug paraphernalia.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.