Ayon kay Department of Agriculture Undersecretary for Livestock Operations Jose Reaño, nasa labing-walong milyon ang inventory ng manok sa bansa.
Mas mataas anya ito sa walo hanggang siyam na milyong inventory sa nakalipas na taon.
Sa kasalukuyan, naglalaro sa P120 hanggang P135 ang presyo ng kada kilo ng manok sa palengke habang nasa P77 hanggang P80 pesos ang presyo naman ng buhay na manok.
Samantala, sapat din aniya suplay ng baboy sa kasalukuyan kaya wala silang inaasahang paggalaw sa presyo ng baboy ngayong holiday season.
MOST READ
LATEST STORIES