Sapat ang suplay ng manok at baboy ngayong holiday season – DA
Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na stable ang suplay ng karne ng manok at baboy ngayong holiday season.
Ayon kay Department of Agriculture Undersecretary for Livestock Operations Jose Reaño, nasa labing-walong milyon ang inventory ng manok sa bansa.
Mas mataas anya ito sa walo hanggang siyam na milyong inventory sa nakalipas na taon.
Sa kasalukuyan, naglalaro sa P120 hanggang P135 ang presyo ng kada kilo ng manok sa palengke habang nasa P77 hanggang P80 pesos ang presyo naman ng buhay na manok.
Samantala, sapat din aniya suplay ng baboy sa kasalukuyan kaya wala silang inaasahang paggalaw sa presyo ng baboy ngayong holiday season.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.