Ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, nakaranas ng pag-ulan
Nakaranas ng malakas na pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa bansa, Miyerkules ng gabi.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 7:03 ng gabi, makararanas ng matinding buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas.
Sinabi ng weather bureau na iiral ito sa susunod na tatlong oras.
Naramdaman naman ang pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bulacan, Laguna, Rizal at Quezon partikular sa Lucena, Tayabas, Sampaloc, Lucban, General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Atimonan, Padre Burgos, Unisan at Agdangan.
Kasunod nito, inabisuhan ang publiko sa posibleng idulot na pagbaha at landslide.
Nasa gutter-deep naman ang taas ng baha sa bahagi ng Makati City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.