Dating CSC chairperson Karina David namatay na

File photo

Namatay na sa edad na 73 si dating Civil Service Commission chairperson Karina David, Martes ng gabi sa Philippine Heart Center.

Ang nasabing balita ay kinumpirma ng kanyang kapatid na si Renato Constantino Jr.

Naulila ni David ang kanyang asawa na si University of the Philippines professor at Inquirer Columnist Randy David.

Ang mga anak na sina Kara David, UP Diliman Professor Dr. Carlos Primo David, Nadya Melina David and Jika David; at ang mga apo na sinaJulia, Jacinta, Xavier, Alonso, at Lila.

Bukod sa naging opisyal ng pamahalaan sa pamamagitan ng ilang mga posisyon sa gobyerno ay nakilala rin si David bilang isang community leader at tagapamuno ng ilang non-government organizations.

Siya ang founder ng Child Protection Network na nagsusulong sa kapakanan ng mga kabataan.

Ang lamay para kay David ay bubuksan sa publiko simula sa May 10, 4 pm, sa Dela Strada Church sa  Katipunan Ave., Quezon City.

Wala pang naitatakdang araw ng libing para kay David.

Read more...