Ilang Brgy. officials na sangkot sa gun running nahuli ng PNP
Arestado ang dalawang barangay official sa magkakahiwalay na police operation sa Batangas at La Union.
Ayon sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), naaresto si Gerardo Villanueva, barangay chairman ng San Sebastian Balete matapos isilbi ang search warrant sa Batangas, Martes ng gabi.
Nakuha kay Villanueva ang isang caliber 45 pistol, dalawang magazine at 16 rounds ng bala.
Ani Col. Lawrence Cajipe, hepe ng Batangas Provincial Police Office, itinuturo si Villanueva na umano’y lider ng “Villanueva Gunrunning Group” na nag-ooperate sa Batangas.
Samantala, huli rin si Rodrigo Garcia, chairman ng Barangay Rimos sa bayan ng Luna kaninang alas sais y medya ng umaga.
Nakuha kay Garcia ang 180 rounds ng bala, walong magazine at isang M16 rifle.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.