Bikoy hindi na isasalang sa imbestigasyon ng Senado
Payag si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa desisyon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na kanselahin ang pagdinig sa Senado ukol sa mga alegasyon ni Peter Joemal Advincula o alyas ‘Bikoy’ sa “Ang Totoong Narcolist” video.
Sa Twitter, inanunsiyo ni Lacson ang kanselasyon ng nakatakda sana ang pagdinig sa Senado sa araw ng Biyernes (May 10).
Sa isang press forum, sinabi ni Sotto na isang logical decision ang pagkansela ng pagdinig dahil mukha aniyang basura ang mga inilalahad ni Bikoy.
Isiniwalat pa ni Sotto na naglabas si Bikoy ng kaparehong alegasyon laban kina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, dating DILG Secretary Mar Roxas, dating Justice Secretary Leila de Lima sa iba pang opisyal ng gobyerno noong 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.