1 patay, 2 sugatan sa magkahiwalay na sunog sa Maynila

By Ruel Perez December 10, 2015 - 07:19 AM

fire-defaultIsa ang patay habang dalawang nasugatan sa magkahiwalay na sunog na sumiklab sa Maynila kagabi at kaninang madaling araw.

Nagana pang unang sunog sa Tejeron sa kanto ng Zamora Street sa Sta. Ana Maynila pasado alas 7:00 ng gabi na umabot sa ikatlong alarma.

Natupok sa nasabing sunog ang apat na apartment na may mga tindahan ng gulong sa ibaba, at nang maapula ang apoy ganap na alas 8:40 ng gabi, natagpuang patay sa ikalawang palapag ang biktimang nakilalang si Maribel Zamora, 41 anyos.

Tinatayang aabot sa P300,000 ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

Samantala, isa pang sunog ang sumiklab sa Gonzales St. sa Ermita, Maynila ala 1:37 ng madaling araw kanina.

Sa imbestigasyon ni Senior Inspector Croshiv Kante ng Bureau of Fire Protection-Manila, nagsimula ang sunog sa unit ng isang Atty. Cipriano Farrales, 81 anyos nagsimula ang apoy.

Natupoy ang ikaapat na palapag ng Gemini dormitory sa Gonzales St.

Iniakyat sa ikalawang alarma ang sunog at naideklara namang fire out bandang alas 2:00 ng madaling araw.

Dalawa ang naitalang nasaktan sa nasabing sunog nakilalang sina Froilan delos Reyes, 17 anyos na nagtamo ng 2nd degree burn at si Kenny Rose delos Reyes 19 anyos na nagkaroon minor burns sa katawan.

TAGS: Fire hits Sta Ana and Ermita in Manila, Fire hits Sta Ana and Ermita in Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.