2 kapitan ng barangay arestado sa vote buying sa North Cotabato; pera at bigas ipinangbibili ng boto
Arestado ang dalawang kapitan ng barangay sa North Cotabato dahil sa pagkakasangkot sa vote buying.
Kinilala ang dalawa na sina Alfredo Losbañez, kapitan ng Barangay Baynosa at Richard Pandacan, kapitan ng Barangay Caridad, sa bayan ng Tulunan sa nasabing lalawigan.
Ang dalawa ay naharang mga pulis habang sakay ng sasakyan na may government plates patungo sa bayan ng Mlang.
Ang mga sasakyan ay puno ng mga bigas, election campaign materials at nakuhanan din ang dalawang kapitan ng sobre na may mga pera.
Maari umanong galling sa isang political gathering ang dalawa kung saan nila nakuha ang mga sako ng bigas at pera.
Ayon kay Mlang Vice Mayor Joselito Piñol magsasampa sila ng kaso laban sa dalawang chairman ng barangay.
Samantala, sinabi naman ni Agriculture Sec. Manny Piñol na naiparating na niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang tumitinding sitwasyon ng vote buying sa North Cotabato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.