UFC star na si Anthony Johnson inaresto dahil sa pananakit sa girlfriend

Arestado ang dating UFC light heavyweight na si Anthony Johnson dahil sa pananakit sa kaniyang kasintahan.,

Ang 35 na anyos na si Johnson ay inaresto sa Florida dahil sa kasong misdemeanor battery.

Ayon sa ulat ng mga otoridad, tumawag sa kanila ang ex-girlfriend ni Johnson matapos umano siya nitong saktan nang sila ay magtalo.

Inaayos umano niya ang mga gamit ni Johnson para palayasin na ito dahil sa lagi nilang pagtatalo at pananakit nito sa kaniya.

Pero muli siyang sinaktan ng UFC fighter.

Inamin naman ni Johnson sa mga pulis ang kaniyang ginawa at sinabing uminit lang ang ulo niya nang sila ay magtalo.

Isasailalim sa arraignment si Johnson sa June 6.

Read more...