15 call center agents sugatan sa aksidente sa Taguig

By Ruel Perez December 10, 2015 - 06:36 AM

BGCNasugatan ang labing limang call center agent matapos araruhin ng isang Mitsubishi Montero ang isang passenger van sa kanto ng 34th Street at 9th Street sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.

Naganap ang aksidente pasado alas 4:00 ng umaga ng Huwebes (December 10).

Ang mga nasugatan ay pawang sakay ng van at empleyado ng Valor Global Call Center Company.

Galing sa 34th street ang van at patawid sa 9th street para ihatid ang mga empleyado ng nasabing kumpanya, pero nang sumapit sa intersection ay biglang sumulpot ang Montero at saka sila binangga.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumaob ang van at naipit ang mga sakay nito.

Agad dinala ng mga rescuers sa kalapit na St. Luke’s Medical Center sa Global City ang labing limang nasugatan.

Nasugatan rin ang driver ng van na nakilalang si Lacson Mandigan.

Ayon naman sa driver ng Montero na si Romeo Pocholo Donayre, nabigla siya nang makita ang van. Nagawa naman umano niyang makapagpreno pero nasalpok pa rin niya ang van.

Sa pagsisiyasat naman ng Taguig Traffic Bureau, lasing ang driver ng Montero maging ang dalawang sakay nito.

TAGS: 15 call center agents injured in an accident in Taguig, 15 call center agents injured in an accident in Taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.