Tatlong Low Pressure Area binabantayan ng PAGASA; 2 dito magpapaulan sa Luzon
Tatlong Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ngayon ng PAGASA, dalawa dito ay nasa loob ng bansa at isa naman ang nasa labas ng bansa.
Ang isang LPA ay huling namataan sa layong 195 kilometers Southwest ng Sinait, Ilocos Sur.
Habang ang isa pang LPA sa Luzon ay huling namataan sa 335 kilometers East ng Aparri, Cagayan.
Dahil sa nasabing mga LPA, sinabi ng PAGASA, ang buong Luzon kasama na ang Metro Manila ay makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan.
Ang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flash floods at landslides ayon sa PAGASA.
Samantala, ang LPA na nasa labas ng bansa ay huli namang namataan sa layong 1,120 kilometers east ng Mindanao.
Sinabi naman ng PAGASA na maliit ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang tatlong LPA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.