1 patay, 4 sugatan sa banggaan ng trak at pickup sa Negros Occidental

By Len Montaño May 08, 2019 - 05:02 AM

Patay ang isang katao habang sugatan ang apat na iba sa salpukan ng trak at pickup sa Silay City, Negros Occidental Martes ng hapon.

Kinilala ang namatay na si Edgardo Paborito at isa sa mga sugatan ang misis nitong si Crisanta.

Pauwi na sana ang mag-asawa sa Maynila sa Sabado matapos magbakasyon sa Negros.

Nasugatan din sina Josefina Reyes at mag-asawang Dante at Ma. Teresa Aloquina.

Ayon kay Police Major Rollie Pondevilla, nag-overtake ang trak sa isang motorsiklo dahilan ng pagbangga nito sa pickup.

Ang mag-asawang Aloquina ay bibiling lang sana ng cake para sa birthday ng kanilang anak nang maganap ang insidente.

Ayon sa driver ng trak na si Wilson Altamera, hindi niya napansin na kasalubong niya ang pickup.

Mahaharap si Altamera sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at damage to property.

TAGS: Negros Occidental, patay, pickup, salpukan, Silay City, sugatan, trak, Negros Occidental, patay, pickup, salpukan, Silay City, sugatan, trak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.