7 arestado sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Maynila

Contributed photos

Timbog ang pitong drug suspek sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Maynila sa buong magdamag.

Sa Jose Basa Street, Tondo, Maynila, arestado sa ikinasang buy-bust operation sina Lalaine Gonzales at Geralden Dela Vega.

Ayon kay PCpt. Val Valencia ng Station Drug Enforcement unit ng Jose Abad Santos Police, si Gonzales ay kabilang sa drugs watchlist.

Positibong nakabili ang poseur buyer ng droga mula sa suspek dahilan para siya ay agad na arestuhin,

Nakuha mula sa mga suspek ang 15 piraso ng plastic sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P8,000.

Samantala, arestado rin ang limang drug suspek sa iba’t ibang operasyon ng Sampaloc Police.

Isinagawa ang anti-illegal drugs operation sa Parredes Street, Paltok Street at G. Tuazon Street.

Kabilang sa mga naaresto ang dalawang nasa drugs watchlist.

Timbog din ang isang 19-anyos at 50 anyos na construction worker.

Narekober mula sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at isang sachet ng marijuana.

Mahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...