P200,000 halaga ng iligal na droga nasabat sa buy-bust sa Quezon City

By Rhommel Balasbas May 08, 2019 - 04:31 AM

Arestado ang dalawang drug suspek sa buy-bust operation ng pulisya sa Himlayan Road, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Timbog ang target na si alyas ‘Naima’ na itinuro ng dalawang drug pusher na naaresto rin kahapon, araw ng Martes.

Ang suspek na umamin sa kanyang iligal na gawain ay dati umanong nursing student at tumigil na sa pag-aaral.

Kasamang naaresto ang tricycle driver na si ‘Leo’ na kasamahan ng suspek.

Ayon sa mga pulis, taga-Culiat si Naima at dumarayo pa ito ng Pasong Tamo para lamang magbenta ng droga.

Nakumpiska ng pulisya ang nasa 42 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P200,000.

Mahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: 2 drug suspek, alyas ‘Naima’, arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Droga, nursing student, quezon city, 2 drug suspek, alyas ‘Naima’, arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Droga, nursing student, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.