Australian Prime Minister binato ng itlog habang nangangampanya

By Rhommel Balasbas May 08, 2019 - 04:16 AM

Binato ng itlog sa kanyang ulo si Australian Prime Minister Scott Morrison habang nasa campaign event sa Albury, araw ng Martes.

Nakikipag-usap lamang ang opisyal sa mga delegado nang lumipad mula sa kanyang likuran ang isang itlog.

Ayon sa local media, hindi naman nabasag ang itlog at parang tennis ball lamang itong tumalbog sa ulo ni Morrison.

Isang babaeng nakilalang si Margaret Baxter ang bumagsak sa sahig dahil sa insidente.

Nakilala naman ang babae na nambato ng itlog na si Amber Holt at sinampahan na ito ng kasong common assault at possession of a prohibited drug.

Nakuhaan si Holt ng marijuana.

Sa panayam ng media, sinabi ni Morrison na natural ang hindi pagkakaunawaan sa mga bagay ngunit hindi ibig sabihin nito na kailangang magsagawa ng pangit na uri ng protesta.

Ito na ang ikalawang insidente ng pambabato ng itlog sa isang Australian politician ngayong taon.

 

TAGS: Amber Holt, Australian Prime Minister, binato ng itlog, common assault, kampanya, Margaret Baxter, possession of a prohibited drug, Scott Morrison, tennis ball, Amber Holt, Australian Prime Minister, binato ng itlog, common assault, kampanya, Margaret Baxter, possession of a prohibited drug, Scott Morrison, tennis ball

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.