Presidente ng EARIST at kanyang drayber sugatan sa pananambang

By Rhommel Balasbas May 08, 2019 - 04:10 AM

FB photo

Sugatan sa pananambang ng isang lalaking nakamotorsiklo ang pangulo ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) at kanyang driver habang nasa Paco, Maynila.

Nakaupo sa front passenger seat ng sasakyan si Dr. Editha Pillo nang apat na beses magpaputok ang suspek sa side window ng kanyang driver na si Choy Buenvenida.

Tinamaan ng bala sa likuran si Pillo habang sa braso naman tinamaan si Buenvenida.

Ayon sa Manila Police District (MPD), nagkasa na sila ng manhunt laban sa suspek.

Posible umanong may kinalaman sa trabaho ang tangkang pagpatay ngunit hindi rin binabalewala ang posibilidad na ang target ay ang drayber ayon kay MPD public information chief Lt. Col. Carlo Magno Manuel.

Magugunitang dalawang opisyal ng EARIST ang tinambangan sa mga nakalipas na taon.

Pinatay sina administrative officer Alvin Asuncion at Executive vice president Noel Cabrera taong 2010 at 2012.

TAGS: ambush, Choy Buenvenida, Dr. Editha Pillo, driver, EARIST, ikatlong insidente, manila, paco, Pananambang, sugatan, ambush, Choy Buenvenida, Dr. Editha Pillo, driver, EARIST, ikatlong insidente, manila, paco, Pananambang, sugatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.