North Korea naglunsad ng bagong missile

By Len Montaño May 08, 2019 - 03:52 AM

AP photo

Naglunsad ang North Korea ng bagong short-range missile, bagay na agad na minaliit ni US President Donald Trump at top advisers nito.

Ayon kay Trump, ang bagong missile test ng Nokor ay hindi ang uri ng long-range missile na matagal nang iniiwasang ilunsad ni Kim Jong Un mula pa noong 2017.

Gayunman naalarma ang mga kaalyado ng US sa biglaang aktibidad ng Pyongyang sa North east coast kung saan makikita pa sa larawan na tila “bull’s eye” ang missile sa karagatan.

Sa report ng South Korea, iba’t ibang “projectiles” ang lumipad mula 70 hanggang 240 kilometers bago tuluyang bumagsak sa Pacific.

Naging dahilan ito para mag-tweet ang 35th Fighter Wing sa Misawa Air Base sa northern Japan ng mensahe na “MISSILE INBOUND.”

Pero sa ngayon ay walang katiyakan kung ano ang nangyari sa debris ng kung anumang inilunsad ng North Korea.

TAGS: 35th Fighter Wing, Kim Jong un, long range missile, Misawa Air Base, north korea, projectiles, short-range missile, US Pres. Donald Trump, 35th Fighter Wing, Kim Jong un, long range missile, Misawa Air Base, north korea, projectiles, short-range missile, US Pres. Donald Trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.