Sa isang sulat pastoral araw ng Martes (May 7), hinikayat ang mga pari na mag-organisa ng Holy Hour, pagdarasal ng rosaryo o hindi kaya ay magsagawa ng triduum masses para sa eleksyon.
Kasabay nito, hinimok ni Tagle ang mga pari na ibahagi sa mga mananampalataya ang ginawang pagsusuri ng ‘People’s Choice Movement’ sa mga kandidato sa pagkasenador.
Ang ‘People’s Choice Movement’ ay binubuo ng 130 lay Christian leaders at pumili sila ng 10 kandidato na ikakampanya sa mga tao.
Ang sampung napili at tinawag na ‘best senatorial candidates’ ay sina:
- Gary Alejano
- Bam Aquino
- Neri Colmenares
- Chel Diokno
- Samira Gutoc
- Pilo Hilbay
- Romy Macalintal
- Grace Poe
- Mar Roxas
- Erin Tañada
Pinili ang sampu batay sa apat na kategorya na character and honor; competence and abilities; faithfulness to public service; at faithfulness to God, the Constituion and the laws.
Nauna nang sinabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na may karapatan ang mga layko na makiisa sa isang ‘principled partisan politics’.
Nangangahulugan ito na ang mga Kristiyano ay maaaring mangampanya ng mga kandidatong itataguyod ang pananampalatayang Kristiyano.