DFA: Walang Filipino na nasawi sa bumagsak na eroplano sa Russia

By Rhommel Balasbas May 08, 2019 - 03:06 AM

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga biktima ng pampasaherong eroplano na bumagsak sa Moscow, Russia noong Linggo.

“The DFA extends its condolences to the victims of a passenger plane which caught fire after it made an emergency landing in Moscow, Russia on 5 May 2019,” ayon sa kagawaran.

Kasabay nito, iniulat ng kagawaran na walang Filipino na nadamay sa insidente.

Ayon sa Philippine Embassy sa Moscow, hindi bababa sa 41 na sakay ng Aeroflot SU 1492 ang nasawi kabilang ang dalawang bata.

Matapos bumagsak sa Sheremetyevo Airport ay nagliyab ang eroplano.

Sugatan din sa plane crash ang 23 iba pa na binigyan ng atensyong medikal.

Ayon sa Aeroflot, nagkaroon ng engine fire ang eroplano matapos mapwersang bumalik sa Sheremetyevo dahil sa problemang teknikal.

TAGS: 41 patay, Aeroflot SU 1492, bumagsak, DFA, eroplano, Moscow, Russia, walang Pilipino, 41 patay, Aeroflot SU 1492, bumagsak, DFA, eroplano, Moscow, Russia, walang Pilipino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.