Malacañang: Gobyerno handa na para sa May 13 elections
Handa na ang pamahalaan para sa pagdaraos ng May 13 midterm elections ayon sa Palasyo ng Malacañang.
Sa isang pahayag araw ng Martes (May 7), sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang paghahanda para sa halalan ay isa sa mga tinalakay sa Cabinet meeting noong Lunes ng gabi na pinangunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Panelo, handa na ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para tiyakin ang seguridad sa eleksyon.
Tiniyak na rin anya ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng kuryente sa Luzon, Visayas at Mindanao sa gitna ng pangamba sa posibleng power interruptions.
Dagdag pa ng kalihim, ipinaalam ng Department of Education (DepEd) sa pangulo na makatatanggap ng honoraria at travel allowance ang mga gurong magsisilbi sa araw ng halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.